Sherlock and Greg (just click the picture to see full image)
Last Saturday night was a blast, once again Kris & Tells played good a big hand to our drummer erwin a.k.a spidermash, guitarist harmon, vocalist kristel, and me ehehe. That night was definetly awesome, I finally met my tumblr crush in person but i just got a mere smile in her face maybe the reason was there’s a band playing (taxi ni vivian ang tumutugtog kung hindi ako nag kakamali) so she was not able to get the idea who i am and i wasn’t able to tell here that i am following her here, but that’s not important though. What important is we played really well and of course i’ve seen my tumblr crush in person.
Until next gig…
If you can read this, your brain is 50% faster than those who can’tooh ooh ooooohhhh. :)))))))))))
Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada. Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naroon din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak. Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan…. hindi ko maintindihan. Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang matanda. Hinahabol nya ang kanyang hininga… Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan. “Di ta guae yong khee”….. “Di ta guae yong khee”… “Di ta guae yong khee”.. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga. Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko. Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga kamag-anak. Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng “Di ta guae yong khee”. “Huwag mong tapakan ang oxygen. “… “Bakit saan mo ba narinig ‘yan?”.



